Showing posts with label alamat. Show all posts

ALAMAT NG LANSONES

By // No comments:

ALAMAT NG LANSONES 

Maraming panahon na ang lumilipas sa Katimugang - Luson ay may isang uri ng puno na hindi binibigyan ng pansin. Hindi gaanong kataasan ang nasasabing puno, matingkad na berde ang madalang na dahon at kadalasa'y sa burol ito matatagpuan. Pangkaraniwan ang puno ngunit kung panahon na may bunga, ang bawat isa ay mahihikayat sa hitik na hitik sa bilugan at kulay gintong prutas nito. 

Minsan may dayuhang magnanakaw ng kalabaw ang nagtago sa puno upang makaiwas sao mga humahobol. Sa pagpapalipas ng oras, napansin nito ang magandang hugis at kulay ng bunga at naakit na pumitas. Marahil so tindi ng pagod at gutom, tinikman niya ang bunga.

Maya-maya, kusang lumabas ang magnanakaw sa pinagtataguang puno na bumubula ang bibig at pilit na inilalabas ang kinaing bunga. Namimilipit sa sakit ng tiyan ang lalaki hanggang sa mawalan ng ulirat. 

Wala ng buhay ang magnanakaw ng matagpuan ng mga nagsisihabol. Dahil sa balat ng bunga at dagta sa labi, alam nila na ito ay nalason sa kinain. 

Mabilis na kumalat ang naganap sa magnanakaw. Mula noon wala ng nangahas na lumapit o lumilim sa puno at ang higit na ikinatatakot ng mga taga Luson ay ang nakamamatay na bunga nito. 

Minsan sa hindi inaasahan, nagkaroon ng tagtuyot sa katimugang Luson, at dahil walang ulan, nagbitak ang mga lupa sa bukid, namatay ang mga pananim, natuyo ang tubig sa sapa. Hindi naglaon unti-untlng nagkakasakit ang mga tao dahil sa kawalan ng pagkain. Maging ang mga hayop ay hindi rin nakaligtas liban sa mga puno no may nakakamatay na bunga.

Isang hapon, habang nagtitipon-tipon, napansin nila ang babaing nakaputi sa tabi ng puno na nakalutang na lumalakad habang kumakain ng nakalalasong bunga. 

Dahil sila ay nahihiwagaan, nilapitan nila ang babaing nakaputi at napansin nila no muli itong pumitas at kinain ang bunga. Natakot ang mga nakasaksi dahil alam nila na mamamatay ito gaya ng nangyari sa magnanakaw. 

Marami ng nakakain ang babae ngunit hindi naganap ang kanilang inaasahan. . 

"Hindi ba't kayo ay nagugutom?" mahinahong tanong nito. "Ang Prutas na ito ay masarap na pagkain handog sa inyo na taga-Luson."

Muling pumitas ang pabaing nakaputi at ipinakain sa bata. "Hindi kayo dapat na matakot dahil tinanggal ko na ang lasan sa prutas."

Pagkasabi nito, unti-unting naglaho ang mahiwagang babae. 

Dali-dali namang lumapit sa puno ang bata at muling kumain ng prutas. Hindi na rin nakatiis ang mga tao dahil sa masarap na lasa nito, maya-maya pa'y nag-uunahan na sila. so pagkain. 

Muli nilang narinig ang tinig ng mahiwagang babae. "Ang bakas ng kurot sa bunga ay tanda na inalis ko na ang lason." - 

Napatunayan nila na totoo lahat ang sinabi ng mahiwagang babae. Dahil ang prutas ay wala ng lason at ang masarap na lasa nito ay handog sa taga-Luson, tinawag nila ang prutas na Lansones. · 

Nang lumoon ang lansones ay naging isa na sa mga paboritong prutas sa buong kapuluan.

ALAMAT NG LITSON

By // 23 comments:

ALAMAT NG LITSON 

Noong panahon na bata pa ang sibilisasyon, ang magkauring tao ay namumuhay ng sama-sama sa isang tribo. May isang pamayanan ng mga Intsik na namumuhay ng masaya at mapayapa.

Ang bawat isa sa kanila ay nagtutulungan at nagbtbigayan. Nakikita mo sa kanila ang kasipagan. Ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop ang pangunahing hanapbuhay ng mga intsik sa pamayanang iyon. 

Bawat pamilya ay nagtatanim ng iba't ibang uri ng gulay, gayundin ang pag-aalaga ng iba't-ibong uri ng hayop tulad ng baka, manok at baboy. Ang mga intsik ay mahilig sa baboy kayo minabuti nilang mag-alaga ng maraming baboy.

Hanggang so dumating ang araw no ang tribo ay mapuno ng maraming baboy. Napagkaisahan ng kanilang pinuno nagumawa ng malaking kulungan at pagsama-samahin ang mqa alagang baboy.

Isang araw, nasira ang kulungan. Maraming baboy ang nakatakas at tumakbong palayo. Nagkagulo ang mga tao so nakawalang alaga. 

Sa pagmamadaling iyon, isang ginang ang nakaiwan ng kanyang lutuin na lumikha ng sunog sa buong tribo. Kasama sa naabo ay ang mga naiwan pang baboy. 

Nanlumo ang mga tao ng magbalik sa kanilang tribo. 

Naging abo ang kanilang mga tahanan. · Wala kahit ano man, liban sa mga nahuli nilang baboy. 

Maya-maya'y may naamoy sila, isang napakasarap na amoy. Sinundan nila ang pinagmulan ng amoy at namangha ang lahat ng malaman nila na sa nasunog na baboy pala galing ang katakam-takam na amoy.

May isang katabaang babae ang hindi nakapagpigil. Kumurot ito ng kapirasong balat at laman ng nasunog na baboy ganon na lang ang kanyang katuwaan ng matikman niya ang napakalinamnam na lasa nito. Nahikayit din ang iba at tumikim, hanggang sa ang bawat isa ay kumakain na. Ang mga tao sa tribong iyon ay naging masayang muli. Ipinagbili nila sa ibang tribo ang mga baboy na nasunog. Simula noon, ang pagbebenta ng lutong baboy ang malakas na pagkakitaan ng pera para sa mga intsik. 

Di nagtagal, lalo pang umasenso ang tribo. Salamat sa nasunog na baboy.

At hanggang ngayon ayon sa marami, hindi raw kumpleto ang handaan kapag walang nakahain na LITSON.

ALAMAT NG BUNDOK MAKILING

By // No comments:

ANG ALAMAT NG BUNDOK MAKILING 

Sa isang mataas na bundok ay may mag-asawang Bathala na naninirahan ang pangalan ay sina Dayang Makiling at Gat Panahon. May kaisa-isa silang anak na ubod ng ganda - si Maria. 

Kahit si Maria ay lsang Diyosa nakikihalubilo siya sa mga tao, tulad ng 

ama at ina. 

Ang mga tao ay nakakahingi ng tulong sa mga Bathala. 

Nasanay si Maria na magsuot ng damit ayon moda at ang mahahaba niyang buhok ay napapalamutian ng bulaklak. 

Kapag araw ng palengke si Marica ay kasama ng dalawa niyang alalay na nakikipagpalit ng kalakal sa mga tao. 

Isang araw sa palengke, ang isang maharlikang lalaki ay dumating. 

Nakabanggaang balikat ni Maria ito at nagkatinginan silang dalwa. Yumoko ang lalaki at humingi ng paumanhin kaalinsabay ay nagkakilala sila. 

Ang lalaki pala ay si Gat Dula. 

Mula ng araw na iyon ay lagi nang nag-aabang tuwing araw ng palcngke si Gat Dula ngunit lagi siyang bigo. 

Maraming araw ng palengke ang lumipas hanggang minsan ay nasilayan din ni Gat Dula ang magandang si Maria. 

Walang inaksayang sandali ang maharlikang lalaki at ka agad ay magalang niyang binati si Maria. Tinugon naman ito ni Maria ng isang matamis ng ngiti. 

Mula noon ay naging magkaibigan na sila na humantong sa pag-ibig. Nalimutan na ni Maria na isa siyang Diyosa na di dapat umibig sa tao. 

Nagalit ang mga magulang ni Maria Makiling ng matuklasan nila ang pakikipag-ibigan ng anak nila sa tao. 

Mula noon ay nanging bawal na kay Maria ang bumaba sa daigdig. 

Inalisan na siya ng kapangyarihan na mag anyong tao na labis na ikinalungkot ni Maria. Sa daigdig nama'y sobra din ang kalungkutan ni Gat Dula. Madalas na nakikita ni Gat Dula si Maria sa kaniyang pangitain ngunit ito'y biglang naglalahong parang bula. 

Biglang nilusob ng kalapit na kaharian, ang kaharian ni Gat Dula ngunit dahil sa marubdob na pag-iblg ni Gat Dula kay Maica na nagsilbing inspirasyon at nagwagi si Gat Dula sa digmaan.

Marami pang digmaan ang pinagwagian ni Gat Dula maliban sa pag-lbig niya kay Maria. 

Sa labis na kalungkutan. Si Gat Dlua ay nagkasakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan. Lahat ng ito ay nakita ni Maria ngunit wala siyang magawa. 

Nang mamatay ang Ama at Ina i Marfa ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan ay ipinagkaloob kay Maria. Dahil doon ay naipagpatuloy niya ang pagbibigay ng tulong sa kanyang nasaskupan. 

Ngunit dumating ang panahon. inabuso ng mga mamamayan ang kabaitan ni Maria. Ang mga gamit na hinihiram nila kay Maria ay di na isinosoli kaya't nagalit si Maria at ipinasya niya na baguhin ang lahat. 

Binago ni Maria ang lahat ng kautusan at batas. Naging bawal nang mamitas ng anomang gulay at prutas. Bawal ring manghuli ng hayop sa gubat at sinomang lumabag sa kautusan ay kaniyang pinarurusahan.

Ngayon ang bundok ng Makiling ay simbolo ng kapangyarihan at kagandahan ni Maria.

ALAMAT NG DAMA DE NOCHE

By // No comments:

ALAMAT NG DAMA DE NOCHE

Sa isang kaharian sa Mindanao, may isang sultan na ubod ng tapang. 

Dahil sa kanyang katapangan ay maraming kaaway ang kanyang nagagapi.

Ang sultan ay ipinalalagay na pinakamasuwereteng hari dahil bukod sa kanyang katapangan ay mayroon po siyang isang anak na dalaga na ubod naman ng ganda. 

Maraming mga mahaharlikang binata ang nanliligaa sa dalaga ngunit wala sa panlabas na anyo ang kanyang hinahanap. Ang nais niya ay iyong kagandahang nagmumula sa kalooban ng tao. 

Hindi naman nagtagal at si Mayuri, ang anak ng Sultan, ay nakatagpo ng lalaking kaniyang hinahanap. 

Siya si Ramen, ang bago nilang hardinero . 

Mabait at maginoo si Ramen kung kaya't si Mayuri ay nahumaling sa kanya. 

At hindi nagtagal ang dalawa ay nagkaibigan ngunit ito ay lingid sa kaalaman ng amang sultan ni Mayuri. Tuwing gabi lamang sila nagniniig ni Ramen sa halamanan. 

Nagkukunwang nangunguha ng bulaklak para sa kanyang silid si Mayuri at si Ramen naman ay nagdidilig. 

Waring nakahalata ang hari sa kakaibang sigla ng kanyang anak. Sinubaybayan niya si Mayuri at natuklasan niya ang pag-iibigan nina Mayuri at Ramen. 

Sa labis na galit, ipinatapon ng Sultan ang binata sa ilog na maraming buwaya. 

Sa labis na kalungkutan ni Mayuri dahil sa hindi na sumipot si Ramen sa kanilang tagpuan ay umiyak siya ng umiyak.

Alam niyang may nangyaring hindi maganda sa kanyang mahal. Hindi niya alam na ang kanyang ama ang may kagagawan ng lahat. 

Mahal kong Allah, yaman din lamang at wala na ang aking mahal, hinihiling ko po na ako ay mawala na rin. Ang luha kong ito ay gawin po ninyong mga bulaklak na sa gabi lamang humahalimuyak ang bango.

Sa pamamagitan lamang po nito maaaring maalala ng aking ama na ang kanyang anak ay nawawala sa kadiliman ng gabi," ang samo ni Mayuri. 

Pagkawika ng mga katagang iyon ay unti-unting· nagbago ang anyo ng dalaga. Naging puno ito at namunga ng mga bulaklak na hugis luha at nagsasabog ng bango sa gabi.

Dahilan sa gabi lamang nalalanghap ang bango ng bulaklak, ito ay tinawag na "Dama de Noche" na ang ibig sabihin ay "dalaga sa gabi".

ALAMAT NI BERNARDO CARPIO

By // No comments:

ALAMAT NI BERNARDO CARPIO 

Nang mamatay ang Hari ng Espanya, si Don Sancho Diaz ang Heneral ng Hukbo ang pansamantalang namuno ng kaharian. Naiwan ng Hari ang dalawang anak na si Alfonso at Jemena. 

Pagsapit ni Alfonso sa hustong gulang isinalin na sa kanya ang sentro ng korona ng Kahariang Espanya. 

Si Jemena naman ay lumaking maganda at maraming mangingibig, kabilang na rito sina Heneral Don Sancho at Kapitan Rubio. Naging mapalad si Heneral Sancho sa kabila ng panibugho ni Kapitan Rubio.

Nalihim sa Haring Alfonso at Kapitan Rubio ang pagniniig ng dalawa, hanggang sa magsilang si Jemena ng isang malakas at malusog na sanggol. 

Isang araw, inatasan ng Hari si Don Rubio na dalawin ang kapatid sa tore ng palasyo kung saan ito naninirahan. Laking gulat niya ng matuklasan na may anak na si Jemena at Don Sancho. 

Ganoon na lamang ang galit ni Haring Alfonso sa kataksilang nagawa ng Heneral. Agad gumawa ng liham para kay Haring Laudovico ng Pransya, na ang sinasaad ay: "Dakpin si Heneral Don Sancho at dukutin ang mga mata saka ipiit sa karsel de Lund".

Humingi ng patawad si Heneral Sancho sa Hari ngunit ito'y walang itinugon, sa halip ay iniabot ang makamandag na liham at inatasan na dalhin sa Haring Laudovico ng Pransya. 

Sabihin pa, lahat ng nakasaad sa liham ay naganap sa kahabag-habag na Heneral. 

Sa pagkakapiit ni Don Sancho, si Don Rubio ang hinirang no Heneral ng Hukbo. Ipinagkatiwala rin ni Haring Alfonso ang sanggol kay Don Rubio at pinabinyagan itong si Bernardo. 

Si Don Rubio ang nakagisnan niyang ama. Isang araw, nagsabi si Bernardo sa amain na nais niyang dumulog sa Haring Alfonso at meron siyang kahilingan. 

Tumanggi si Don Rubio. Nagkataon dumalaw sa kanila ang Haring Alfonso. Agad idinulog ni Bernardo ang kahilingang ipagkaloob sa kanya ang Orden de Santiago. Iginawad naman agad ito ng Hari. Binanggit din ni Bernardo ang kanyang pagkatao ngunit pinayapa lang siya ng Hari. 

Sa kabilang dako, si Impanta Jemena ay nakapiit , sa Beateryo habang si Don Sancho ay nagdurusa so Karsel de Luna. 

Isang araw, habang nagsasanay, hindi sinasadyang mapatay ni Bernardo si Don Rubio. Nasaksihan ito ng Haring Alfonso at sa kaganapang iyon hinirang siya na pamunuan ng Hukbo ng Kaharian.

Simula noon ay maraming reyno at kastilyo ang nalupig ni Bernardo. Kabilang na rito ang Kastilyo ni Emperor Carpio, isang bantog na mandirigma, si Bernardo lamang ang tumalo sa emperor kaya binansagan siyang Bernardo Carpio. 

Ang sunud-sunod niyang tagumpay ay pinangilagan ng marami, maging si Haring Alfonso. Agad niyang ipinasundo ang pamangkin na anak ng haring Laudovico upang sa kanya isalin ang Sentro ng Korona . 

Sa oras ng selebrasyon ay dumating si Bernado dala ang katibayan ng tagumpay upang ialay so Hari. Ganon na lamang ang kanyang galit sa nasaksihan. 

Isang araw habang nananalangin si Bernardo, isang liham na nagsisiwalat ng buo niyang pagkatao ang kanyang nabasa, gayon na rin ang kinaroroonan ng kanyang mga magulang. 

Agad niyag inusig si Haring Laudovico at napasuko. Tinungo niya ang Karsel de Luna at sa unang pagkakataon, ay nakita niya ang ama. Matapos ang maiksing pagniniig binawian ng buhay si Don Sancho. 

Inayos ni Bernardo na tila buhay ang ama at kasama ang inang si Jemena, muli silang nagbalik so Espanya at hinillng sa hari na kasalin ang mga magulang. 

Matapos mailibing ang ama, lumisan na sa palasyo ang mag-ina. 

Malayo na ang kanyang nalalakbay hanggang sa marating niya ang nag-uumpugang Bundok.

Sa paglapit ni Bernardo isang lalaking nagniningning ang kasuotan at nagpakilala. Ayon sa lalaki, siya ay anghel ng Diyos na pipigil kay Bernardo sa paglapit so naguumpugang bundok.

Hindi napigil ng Anghel si Bernardo at nang siya ay nasa loob na muling nagtapat ang dalawang bundok at doon ay itinago na siya ng kalikasan.

Ayon sa marami, si Bernardo ay pinarusahan ng Diyos sa paghamon sa kalikasan. Muli lamang si'yang mahahango pagdating ng kaniyang kapatawaran.

ALAMAT NG MARINDUQUE

By // 5 comments:

ALAMAT NG MARINDUQUE 

Maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines, Mindoro at Timog-kanluran ay nasasakop ng Barangay Batangas. Ang namumuno rito ay si Datu Batumbakal. 

Si Datu Batumbakal ay may napakagandang anak na dalaga, si Mutya Maria. Taglay niya ang mga katangian kaya itinuring siyang Reyna ng Katagalugan. 

Marami at mayayaman ang mga manliligaw ni Mutya Maria. Kabi lang narito ang Datu ng Mindoro, Laguna at Camarines, ngunit, isa man sa kanila ay wala siyang damdamin. 

Ang napupusuan ni Mutya Maria ay isang hamak na mangingisda. Si Garduke o kilala sa tawag na Duke. Si Duke ay mahilig umawit at kumatha ng tula. 

Malayang nakakadalaw ang tatlong Datu kay Mutya Maria. Samantala, si Duke ay palagiang pinagtatabuyan at pinalalayas ni Datu Batumbakal. Kahit kagustuahn pa ni Mutya ang pagtungo niya sa palasyo upang makinig ng kaniyang mga tula, hindi pa rin siya pinahihintulutan ng Datu. 

Mula noon ay hindi na muling nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya Maria. 

lsang umaga, naglakad-lakad ang Reyna so bukirin sa pag-asang makita niya si Duke. 

At dulot ng tadhana ay nagkita ang dalawa sa baybayin ng ilog Pansipit. "Kung ako'y sadyang mahal mo ipaglaban mo ito so anumang paraan." Hamon ni Mutya kay Duke. 

At bago tuluyang maghiwalay, napagkasunduan ng dalawa na muling magkita sa Hardin ng Palasyo sa pagsapit ng dilim.

Ang pagtatagpo ni Mutya Maria at Duke ay hindi nalingid sa kaalaman ng Datu. Kinagalitan niya ang anak at pinagbawalang makipagkita sa binata. 

!sang kautusan ang ipinabatid ng Datu sa lugar na kanyang nasasakupan. "Ang Maharlika ay para lamang so mga Dugong Maharlikan". Isang kautusan na sinuway ni Mutya Maria at Duke. 

Agad na pinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at pinapugutan ng ulo. Labis namang ikinalungkot ni Maria. Naging bukambibig sa buong kapuloon ang pag-iibigan ni Maria at Duke. Mula rito, hinango rin ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala so lalawigan ng MARINDUQUE.

ALAMAT NG MAKOPA

By // No comments:

ALAMAT NG MAKOPA 

Sa isang bayan ng Ilokos ang naninirahan doon ay laging nagpapatunog ng kampana tuwing nananalangin gayundin sa oras ng kagipitan. 

Dahil sa pag-aakala ng karatig bayan na sa kampana nagmumula ang kanilang kasaganaan kaya't pinagbalakan nilang nakawin ang kampana. 

Natuklasan naman ng mga tao ang balak ng karatig bayan kaya't ang kampana ay kanilang ibinaon sa masukal na lugar. 

Nang sumugod ang mga tao sa karatig bayan ay nagkaroon ng malaking labanan at ang mga lalaking nagbaon ng kampana ay pawing nasawi. 

Mula noon ay nagging malungkot no ang bayan na iyon at dumaranas sila ng matinding kahirapan. 

Lumipas ang ilang panahon at minsan ay may isang bata na naghahanap ng makakain sa kagubatan ay nakakita ng puno na maraming bunga. Ang bunga ay hugis kampana, ng tikman niya ay masarap ang lasa. Pumitas siya ng marami at inuwi sa bahay. Nang makita ng taong bayan ang hugis ng bunga ay naala-ala nila ang ibinaon na kampana. Pinuntahan ng mga tao ong puno at hinukay nilo ang tabi ng puno at natagpuan nila ang nawawalang kampana. 

Walang pagsidlan ng tuwa sa kanilang natuklasan at inisip nila na muling magbabalik ang kasayahan at kasaganaan. 

Dahil sa kanilang kasiyahan ay nagtanim sila ng maraming puno na nagging dahilan ng pagkatuklas ng nawawalang kampana at ito'y tinawag nilang Makopa.

ALAMAT NG MAKAHIYA

By // No comments:

ALAMAT NG MAKAHIYA 

Noong unang panahon ay may magandang halaman na tumubo. Ang dahon nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay Lila kumikislap tulad ng mga bituin. Dahil dito, nagging mapagmalaki ang magandang halaman. 

Isang araw umulan ng melakas. Ang masipag na si Langgam na naghahakot ng inipong pagkain ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam so halaman punong ligaw. 

Nagalit ang punong ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Langgam. Inuga niya ang kaniyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-awang si Langgam. Naawa si alitaptap kay Langgam . Pumitas siya ng dahon at inianod sa tubig. Kumapitdito si Langgam at siya ay nasabit sa punong tubo. Pinatulot siya ni tubp at binigyan pa ng pagkain. 

Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng hayop at halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si tubo at alitaptap. Binigyan ni biwata ng ilaw si alitaptap at ginawa niyang matamis ang punong tubo. Samantala pinarusahan ni Diwata ang palalo at mapagmalaking damong ligaw. Nawala ang taglay nitong bongo at siniputan ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang damong ligaw kaya itinitikom niya ang kanyang mga dahon tuwing ito'y masasaling. At mula noon, nakilala ang punong ligaw sa tawag na Makahiya.

ALAMAT NG BULKANG MAYON

By // No comments:

ALAMAT NG BULKANG MAYON 

Ang Bikol ay pinamumunuan ng isang matapang na haring ang pangalan ay Baltog. Siya ay matapat, mapagmahal at makatarungan.

Isang araw, sa gitna ng kanilang katahimikan ay isang dambuhalang baboy ramo ang naminsala sa mga tao at gayon din sa mga pananim sa nasasakupan ni Baltog. Sa pamamagitan ng pambihirang lakas ni Baltog ay nakuha niyang patayin at lurayin ang dambuhalang kalaban. Subalit hindi man halos nalalagutan ng hininga ang kanyang kalaban ay napaharap na naman siya sa isang kahindikhindik na pangkat ng mga higanteng alimango, mga pating na may pakpak at mga dambuhalang buwaya. Sapagka't hapo na si Baltog at parang nakikini-kinita ng mga taong ito'y maaaring magapi ay sumaklolo si Handiong at ang kanyang pangkat. Nagwagi sila at ang tagumpay na ito'y hindi nakalampos sa pandinig ni Oriol no isang mahiwagang ahas. Nag-isip si Oriol no tuksuhin si Handiong. Nagbalatkayo siyang isang magandang babae. Sinimulan niyang tuksuhing akitin si Handiong. Subali't si Handiong ay hindi nabighani ng kagandahang ipinamalas ng mahiwagang ahas. Sa dakong huli'y ang ahas pa ang nakatulong ni Handiong sa pakikipaglaban sa masamang ispiritu. 

Hindi pa nagtatagal ang pangyayaring ito ay isa na namang kalaban ang sumulpot sa kaharian ni Baltog. Ang kaaway niyang ito ay si Rabut na nagtataglay ng kapangyarihang gawing bato ang sino man. Ang pakikibaka sa kalabang ito'y lubusang ipinaubaya ni Handiong kay Baltog. Naghintay ng pagkakataon si Baltog upang maiupig si Rabut. Di naman nagtagal at unti-unting nakalapit si Baltog kay Rabut habang ito'y natutulog. Sa pamamagitan ng kanyang tabak ay bigla niyang tinigpas ang ulo ni Rabut. Sumigaw ito at nagpapapalag at dahil dito'y nayanig ang mundo. Naligalig pati tubig sa dagat at nang tumahimik ang mundo ay nakakita ang mga tao ng isang maganda at ayus na ayos ang hubog ng isang tumpok na lupang maliit at tulis so itaas na palaki nang palaki hanggang ibaba. Napakaganda ang hubog na animo'y nililok ng isang eskultor. Ito ang sa ngayo'y nakikilala ng lahat sa tawag na Bulkang Mayon. 

ALAMAT NG BUNDOK KANLAON

By // 1 comment:

ALAMAT NG BUNDOK KANLAON 

Noong unang panahon, sa lalawigang Negros ay may napatanging baranggay no pinamumunuan ni Datu Ramilon. Napabantog ang datung ito dahil sa pambihirang katapangan at kabaitan. 

Nguni't higit sa lahat, ang sanhi ng kabantugan ng datung ito ay dahil sa kanyang napakagandang anak na si Kang. 

Maraming anak ng dugong maharlika ang nanunuyo sa marilag na anak ni Datu Ramilon. Ang mga ito ay maluwag sa loob namang tinatanggap ng mabait na datu. 

"Kung sino sa inyo ang mamarapatin ng aking anak ay hindi ako tumututol", ang malimit masabi ng datu sa mga talisuyo ng kanyang anak.

Nguni't ang magandang si Kang ay may kasintahan na, ang magiting na si Laon,-na anak ng isang raha sa karatig na baranggay.

Isang araw, ang magkasintahan ay nagtapat kay Datu Ramilon. "Si Laon po ang napili kong maging kapilas ng puso, kaya't ngayo'y hinihingi namin ang iyong kapahintulutan upang kami'y makasal". ani Kang. 

"Siya pong tunay, mahal na datu", patotoo ni Laon. 

"Kung gayo'y humanda kayo't sa pagbibilog ng buwan ay Ipakakasal ko kayo\ pasiya ni Datu Ramilon. 

Nagdaos ng isang pagdiriwang ang buong baranggay ni Datu Ramilon bilang pasalubong sa pag-iisang dibdib nina Kang at Laon. Ngunit nang pinagbubuklod na ang dalawa. isang tauhan ang humarap sa datu at nagsabing umaahon sa pampang ang isang pangkat ng mga kawal na pinamumunuan ni Datu Subanun ng Palawan. 

"Kung gayo'y pahandain ang mga kawal sa pagtatanggol utos ni datu. Alam niyang si Datu Subanun ay masugid na mangingibig ng kanyang anak.

Nagkalabanan. Dahil so dami ng mga kawal ni-Datu Subanun, ang mga kawal ni Datu Ramilon ay nagapi.

Nang mapatay na si Datu Ramilon at ang lahat ng kawal nito ay magkasamang tumakas si Kang at Laon upang humingi ng saklolo sa karatig baranggay. Ngunit tinugis sila ng mga kalabang kawal at nang abutan ay pinagsisibat nang walang patumangga. Magkayakap pa nang malugmok ang magkasintahan. 

Kinabukasan, sa pook na kinabuwalan ng nasawing magkasintahan ay may lumitaw na isang munting burol, at ito ay tumawag ng pansin sa mga kawal ni Datu Subanun. 

"Diyan nabuwal sina Kang at Laon!" bulalas ng isang kawal. Lumaki nang lumaki, hanggang sa maging bundok na malaki, na nang lumao'y tinawag na Bundok ng Kang at Laon. Nang matagalan na ito'y naging Kanlaon.

ALAMAT NG SAMPALOK

By // No comments:

ALAMAT NG SAMPALOK 

Libong taon na ang naklilipas ay may isang babaeng biyuda na ubod ng yaman ngunit ubod din naman ng sama ng ugali. 

Lagi niyang ipinagyayabang ang kanyang kayamanan  at lagi niyang pinagmamasungitan ang mga utusan sa bahay gayundin ang kanyang mga kalapit bahay. 

Kapag nagkakaroon ng kalamidad sa kanilang lugar ay hindi siya nag-aabuloy o nagbibigay Sa mga nasalanta ng kalamidad. 

Isang tanghaii, na ang biyuda ay natutulog so kanyang bahay ay may mga bata na masayang nagkakatuwaan na pinaghahatian ang mga buto ang mga buto na ibinigay ng isang matandang babae. 

Dahil nagalit ang biyuda sa pag-iingay ng mga bata ay inagaw niya sa mga bata ang buto. Galit niyang pinalayas ang matanda at mga bata. Dahil sa takot ay hindi na nakuhang makiusap ng mga bata ukol sa mga buto.

Dahil walang haloga sa biyuda ang mga buto ay inhagis na lamang niya ang mga ito sa bakuran. 

Lumipas ang ilang panahon at natanaw niya sa bakuran ang lumalaking puno na may hitik na bunga na hugis haba na tuwid na tuwid. 

Laking pagtataka ng biyuda ng timan niya ang bunga na ubod ng tamis at natuklasan niya na ang buto ay katulad ng inagaw niya sa mga bata. 

Isang hapon na nasa lilim ng puno, na masayang tinatanaw ang hitik na bunga ay may lumapit na mga bata na humingi sa biyuda. Sa halip na bigyan ay pinagalitan pa niya ang mga bata. Nagmakaawa ang mga bata, ngunit upang mabilis na mapaalis ang mga bata ay hinagisan ng isang timbang tubig. 

Habang humahalakhak sa pagbubunyi ang masungit na biyuda ay lumapit naman ang matandang pulubi na nagsumamo na bigyan siya ng ilang bunga ng puno ngunit sa halip na bigyan ay sinampal ng biyuda sabay sabing ikaw ang dahilan kayo nagising ako noong isang tangahali dahil sa ingay ninyo ng mga bat a. 

Maraming panlalait ang ginawa ng biyuda sa matanda na siyang naging dahilan upang ang biyuda ay pangaralan sa malumanay na paraan.

Tumimo sa puso ng biyuda ang sinabi ng matanda, humingi ito ng tawad at tuloy inalok ng dala niyang bunga. 

Biglang nagliwanag ang paligid ng pulubi na ikinasilaw ng biyuda at may tinig na narinig. "Sinampal mo ako, tapos ay inalok?" nawala ang matanda at nakita ng biyuda na ang mga bunga ay umurong at nagging liko. Naging mabait na ang biyuda at namimigay na ng bunga ngunit natuklasan ng biyuda na ito ay maasim na. Naging bukang bibig ang sinampal tapos ay nag-alok na hindi nagtagal ay nagging Sampalok.

ALAMAT NG TATLONG KULAY NG TAO

By // No comments:

ALAMAT NG TATLONG KULAY NG TAO 

Noong unang panahong, wala pang tao sa daigidg, si Bathala ay umisip ng kaparaanan upang maging mapayapa, masaya at masigla ang kapaligiran at lakad ng mga pangyayari sa daigdig, kaya't napagisip-isip niya na upang sumigla ang daigdig ay kailangan magkaroon ng buhay at kanyang ipinasiya na siya'y dapat lumikha ng tao. 

Isang araw, siya ay kumipil ng lupa, inihugis ito na isang nilikha at iniluto so isang hurno. Pagkahango sa niluto ay napuna niyang ito'y ubod ng itim dahil sci pagkasunog. Ang kinapal na ito'y siyang pinagmulan ng mga negro natin sa kasalukuyan. 

Sa muling pagsasalang sa hurno sa ikalawang kipil no lupang hugis tao ay nagkaroon ng agam-agam si Bathala no baka masunog na naman ito kung kaya't sa labis na pagaalala ay hinango agad ang nakasalang pagkaraan lamang ng ilang saglit. Ang nangyari ay nahilaw ang niluto kung kaya't ito'y maputi. Ito'y binigyan ng buhay at siya ngayong pinagmulan ng lipi ng mga puti. 

Dahil sa kasanayan no ni Bathala so paghuhurno ang ikatlong salang niya ay naging kasiya-siya pagka't hustung-husto sa pagkakoluto, hindi sunog at lalo namang hindi hilaw. Pagkatapos ay hiningahan ng buhay ang nasabing nilikha at ito ang siyang pinagbuhatan ng lahing kayumanggi na siyang lahing ipinagmamalaki natin -- ang Asiano.

ALAMAT NG ARAW AT BUWAN

By // 2 comments:

ALAMAT NG ARAW AT BUWAN 

Si Bathala na siyang lumikha ng mundo ay may dalawang anak, isang lalaki at isang Babae. Apolaki ang pangalan ng lalaki at Mayari ang pangalan ng babae. Ang mundo ay tinatanglawan ng mga mata ng magkapatid kaya sila ay mahal na mahal ng mga tao. 

Nguni't walang makakatumbas ang pagmamahal na iniukol ng ama sa magkapatid na Apolaki at Mayari. Si Bathala'y lubhang mapagmahal at lagi niyang sinusubaybayan ng tingin ang kanyang dalawang anak. Subali't dumating ang araw na si Bathala ay tumanda na at nanghina at pinanawan na ng lakas. Hindi na niya masubaybayan ang paglalakbay ng kanyang mga anak. Hindi rin niya hinintay na tumbasan ang iniukol niyang pagmamahal at pagtingin sa mga anak. Napakabait at mapagbigay si Bathala. Hindi siya pinansin ng magkapatid sa kabila ng kanyang pagkakasakit. Hindi nagtagal at namatay si Bathala dahil sa kalungkutan at sama ng loob. 

Katulad din ng pangkaraniwang tao ang kanyang mga anak. Nagkaroon ng inggitan ang magkapatid. Isa't isa'y nagmimithing siya lamang ang pag-ukulan ng pagmamahal ng daigdig. Nag-away sila at nagpaluan ng ulo. Si Apolaki ay higit na malakas kaysa kapatid na babae. Sinuntok niya ang isang mata ni Mayari at ito ay nabulag. 

Nagsisi si Apolaki nang makita niya ang nangyari kay Mayari. Inamo niya ang kapatid at upang ipakilala ang kanyang pagsisisi ay sinabi kay Mayari na silang magkapatid ay hati sa kapangyarihan. Pinagkasunduan nilang ang pagbibigay sa daigidig ay hatiin nilang dalawa. Magsasalitan sila sa pagbibigay ng liwanag na lubos nilang ikinatuwa--si Apolaki sa araw at si Mayari sa gabi. Dahil sa iisa ang mata ni Mayari ang gabi ay nahihigitan ng liwanag ng araw na ibinibigay ni Apolaki. Naging araw si Apolaki at naging buwan si Mayari.

ALAMAT NG TALON NG MARIA CRISTINA

By // No comments:

ALAMAT NG TALON NG MARIA CRISTINA 

Sikat si Datu Talim dahil sa anak niyang ubod ng ganda, siya ay si Maria Cristina, ngunit hindi niya tunay na anak si maria Cristina. 

Ilang taon na ang nakalilipas ay sinalakay ng mga tauhan ni Datu ang bayan ng Romblon. Nagkagulo ang mga tao subalit bata pa noon si Maria Cristina ay patuloy pa rin siya Sa paglalaro ng kunin siya ng tauhan ng Datu. Lumaban ang ama ni Maria Cristina ngunit napatay. 

Inialay ng mga tauhan ng Datu si Maria Cristina kay Datu Talim at ito'y inaring anak at lumaking napakaganda. Dahil sa angking kagandahan ay maraming nanunuyo sa dalaga. 

Isa sa mga ito ay si Prinsipe San-I na isang makisig at maharlika. Hindi nagtagal at sila'y nagkaibigan at itinakda ang malaking kasalan. 

Habang abala ang dalawang panig sa pagtatakda sa kasal, ang magkasintahan ay nagpunta sa batis ngunit hindi nila alam na may dalagang mangkukulam na umibig kay San-I. 

Dalawang gabi bago sila ikasal ay pumuntang muli si Maria Cristina sa batis at naala-ala niya ang kanyang ina na naiwan sa Romblon. Napagkasunduan nila ni Prinsipe San-I na pagkatapos ng kasal ay pumunta sila sa Romblon. Ipinikit niya ang kanyang mata at inalala niya sa kanyang kaisipan ang kanyang ina noong bata pa siya. 

Binubuo pa rin niya sa kanyang isip ang anyo ng kanyang ina ng biglang may narinig siyang tinig na. "Hindi ko ipahihintulot na matuloy ang kasal ninyo ni San-I, pagkat siya ay akin." Sabi ng isang pangit na babae. "Sa araw ng inyong kasal, si San-I ay hindi mo na makikita, ikaw ay gagawin kong isang bundok, ang luha mo ay dadaloy sa bayan patungo sa dagat." Banta ng mangkukulam.

Labis na nagtaka ang lahat ng hindi sumipot sa kasal si Maria Cristina at lalo silang nagtaka ng may nagkaroon ng isang bundok na animo'y lumuluha. "Nasaan si Maria Cristina?" tanong ng lahat. Biglang may boses silang narinig na ang sabi. "Si Maria Cristina ang lumuluhang bundok. Ang daloy ng kanyang luha ay tutuloy sa bayan at magiging ilog na daluyan sa Iligan." 

Mula noon, hindi na lumitaw ang mangkukulam at ang bundok na lumuluha ay tinawag na Maria Cristina.

ALAMAT NG BUNDOK BANAHAW

By // 1 comment:

ALAMAT NG BUNDOK BANAHAW 

Noong unang panahon marami na ang taong namumuhay sa malaking bundok na tinatawag ngayon na Banahaw. Noon ay wala pa itong pangalan. 

Sa nasabing lugar ay may mag-asawa na nakatira na may kaisa-isang anak. Sila ay sina Lukban at Bayabas at anak nila ay si Limbas. 

Tanyag si Limbas sa buong kapaligiran dahil sa angkin niyang liksi at lakas. Napakahusay niyang gumamit ng sibat kaya't mabilis niyang nahuhuli ang mga hayop Sa paligid. 

Sa pagkakilala ng mga tao ay isang bayani si Limbas ngunit pitong araw nilang hindi nasilayan ang anino man ni Limbas. 

Lungkot at balisa ang nadama ng buong paligid. Nang ika-walong araw ay biglang dumating si Limbas na may dalang masasarap na pagkain at damit na marikit. Sa buong buhay nila ay hindi pa sila nagkamit ng ganoon kaya't buong galak nilang inalam kung saan nanggaling ang mga yaon. 

Sabi ni Limbas ay,"Dinala ako ng isang ginoo na mahaba ang balbas sa tultok ng bundok. Doon ay puti lahat ang balahibo ng hayop maging manok at usa. Pinasakay nila ako sa karwaheng hinihila ng dalawang puting kabayo at inikot namin ang buong Luzon,ang damit at pagkain ay regalo niya sa atin, may bilin siya sa akin na magmano muna ako bago ko ibigay ang regalo sa inyo." Dagdag pa ni Limbas. 

Nasundan pa ng maraming ulit ang pagkawala at pagbalik ni Limbas ngunit ng minsan bumalik si Limbas ay buong galak niyang ibinalita na,"Napakahalaga ng dala ko ngayon, napakalaking kayamanan itong dala ko pagkat ito ay mga bolang ginto." Sabay abot sa kanyang ina. Dahil sa sobrang galak ay nakalimutan niyang magmano at laking gulat ni Limbas ng buksan ang balutan na hindi bolang ginto ang laman kundi bunga ng anahaw. 

Sa tinding gulat ay napasigaw si Limbas ng "BA ANAHAW! BA ANAHAW! BA ANAHAW!"

Mula noonang bundok ay tinawag na Banahaw at ang bayan rig Lukban at Tayabas ay buhat sa pangalan ng Ama at · Ina ni Limbas na Lukban at Bayabas. 

ALAMAT NI MALAKAS AT NI MAGANDA

By // 24 comments:

ALAMAT NI MALAKAS AT NI MAGANDA 

Ang mundo noo'y walang makikitang anuman maliban sa magkatapat na langit at lupa na sa pagitan ay may isang ibong walang humpay sa paglipad. 

Sa matinding pagod ng ibon at sa walang tigil na paglipad ay umisip ng paraan upang magkaroon ng mapagpapahingahan. Gumawa siya ng dahilan upang magkagalit ang langit at ang dagat. Kaya't isang araw, sa tindi ng galit ng dagat ay sinabuyan ng tubig ang pisngi ng langit, at itong huli'y gumanti sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga bato at malalaking kimpol na lupa sa dagat na siyang naging dahilan upang magkaroon ng mga lupain sa daigdig. 

Ang ibon ay naging mapayapa at nagkaroon ng kasiyahan matapos magkaroon ng di-pagkakaunawaan ang langit at ang dagat. 

Isang araw, samantalang ang ibong ito'y namamahinga sa dalampasigan, siya'y nahagip ng isang putol na kawayan na tinangay ng agos sa dalampasigan. Napasigaw sa galit at sa dahilang nasaktan siya'y pinagtutuka niya ang nasabi ng kawayan hanggang sa ito'y mabiyak. Lumabas ang isang lalaki sa unang biyas at sa ikalawa nama'y lumabas ang isang babae. Sila ang naging kauna-unahang babae at lalaki. 

Sa paglipas ng mga araw ang lalaki ay nagpamalas ng pambihirang lakas kaya't tinawag nc si Malakas; sa kabilang dako ang babae naman dahil sa pagkakaroon ng di-pangkaraniwang kagandahan o.y tinaguriang si Maganda.