Showing posts with label hangin. Show all posts

ANG HANGIN

By // No comments:

ANG HANGIN

Aking nadarama, ihip niyang banayad
Ang haplos niyang hindi ko makita
Pisngi ko'y nahagkan ng hanging amihan
Halik ng isang inang kumakalinga.

Saan ka pupunta?
Saan ang paglalakbay?
0 hanging katulad
Ng sarili kong buhay
Na 'di tiyak kung saan
Ang aking hantungan
Saan nga ba o hangin
Daang aking tatahakin.

O mahiwagang hangin
Alam kong kung sakaling pumanaw
ang buhay kong ito,
ay sasama sa iyo
ang diwa at isip ko.

ANG ARAW AT ANG HANGIN

By // 1 comment:

ANG ARAW AT ANG HANGIN 

Minsan nagtatalo sina Araw at si Hangin kung sino sa kanila ang higit na makapangyarihan. 

"Mas makapangyarihan ako, dahil sa init ko'y kaya kong sunugin ang lahat!" wika ni Araw. 

"Higit ako, dahil kung nanaisin ko ay kayo kong paliparin ang lahat at itaboy kung saan ko gusto!" ang sabi naman ni Hangin. 

Habang nagtatalo ang dalawa, isang magsasaka ang dumaan. "Mabuti pa patunayan natin ang ating kapangyarihan sa pamamagitan ng magsasakang iyan!" sabi ni Araw. 

"O sige, payag ako!" sang-ayon naman ni Hangin. 

"Kung sino sa atin ang makapagpapaalis ng damit ng magsasakang iyan ay siyang mananalo." Ang hamon ni Araw na agad tinanggap ni Hangin. 

At naunang nagpakita ng kapangyarihan si Hangin. 

Umihip ito ng malakas patungo sa magsasaka. Agad namang napadapa ang magsasaka. Niyakap nito ang sarili sa lamig at lakas ng hangin. Kung kaya't lalong hindi naalis ang kanyang suot na damit. Sumuko na si Hangin. 

Ang sumunod ay si Araw naman ang nagpakita ng kapangyarihan. Ngumiti lamang ito. Ngumiti ng ngumiti hanggang sa lalong tumingkad ang sikat nito. 

Pinagpawisan ang magsasaka, at sa init ay hinubad nito ang kanyang damit. At binati ni hangin ang nagwaging si Araw. 

Ang Gintong Aral: 

1. Ang tunay na kapangyarihan ay  hindi nakikita sa paggamit ng lakas at dahas, kung di sa malumanay at maayos na pamamaraan. 