ANG ULAN
Namuong ulap
sa langit kong tanaw
Nagmula sa lupa't
sinipsip ng araw
Bumagsak sa lupa
ulan na kaylamig
Kaylamig mong hangin,
nakaliligalig.
Sa bawa't pagpatak,
mula sa mga ulap
Ay isang patunay
na ang lupa'y nangarap
Nangarap na minsan pa'y
muli laing mahagkan
At bigyan ng buhay,
tuyot niyang katawan.
Mula sa hamog
ng gabing nagdaan
hinimok ng init
sa kinaumagahan
"O ulan, o ulan"
sabi ng puso ko
Ang iyong pagbuhos
ang pagsusumamo
Nagdaang tag-araw
iyo nang lunurin
Luntiang lupain
Ang aming mithiin
"O ulan, 0 ulan"
ang iyong pagpatak
Sa puso kong ito'y
nagpuno ng galak.