Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

LANGIT

By // 1 comment:

LANGIT


Hiwaga sa itaas
Ay iyong silayan
At maging saksi
Sa kanyang kariktan

Sa umaga ay tanaw
Pagsikat ng araw
Na mula sa silangan
Patawid ng kanluran

Kaysarap pagmasdan
Sa gabing madilim
Mapahimalang langit
Kaydaming bituin

Sa iyo ri'y mananahan
Ang pilak na buwan
Langit nayakap
Ng aking isipan

Ahh langit..

Sa aking pagpanaw
Ay maging hatungan
Upang masilayan
Ang lobo kong laruan

Lobong lumilipad
Mula sa aking nakaraan
At mahiwagang langit
Siya ay hahagkan.

ANG ULAN

By // No comments:

ANG ULAN 


Namuong ulap 
sa langit kong tanaw
Nagmula sa lupa't
sinipsip ng araw
Bumagsak sa lupa 
ulan na kaylamig
Kaylamig mong hangin,
nakaliligalig. 
Sa bawa't pagpatak,
mula sa mga ulap
Ay isang patunay 
na ang lupa'y nangarap
Nangarap na minsan pa'y
muli laing mahagkan 
At bigyan ng buhay, 
tuyot niyang katawan. 

Mula sa hamog 
ng gabing nagdaan
hinimok ng init 
sa kinaumagahan
"O ulan, o ulan"
sabi ng puso ko 
Ang iyong pagbuhos
ang pagsusumamo
Nagdaang tag-araw
iyo nang lunurin 
Luntiang lupain
Ang aming mithiin
"O ulan, 0 ulan"
ang iyong pagpatak
Sa puso kong ito'y
nagpuno ng galak.

BUNDOK

By // No comments:

BUNDOK 


Umbok ng lupang hinubog ng Diyos
Sa ating paglapit ay napakatayog 
Tila higanteng bimbing sa pagtulog
Mga ulap sa taas sa kanya'y yumapos. 

Bundok na sa tayog, tila nagyayabang
Minsa'y sa dagat, tila nakalutang 
Laging nakabantay sa kalawakang ganap
Laging nahahagkan ng mga alapaap. 

Kaykinis niyang lupain, mga hayop nanahan
Ngunit sa malapitan ay kay daming bangin
Sa kanya ri'y umaagos kaylinis na batis
Batis na kay lamig, pinalamig ng hangin 

Bundok na sa kanya y may gintong nabubungkal
Ng taong di matutong sa kanya'y magmahal
Sadyang mapagbigay, bundok na may buhay
Kaya't dapat mahalin at paka-arugain.

ANG MANGINGISDA

By // 1 comment:

ANG MANGINGISDA


Palalaot na naman 
sa bangka niyang sasakyan
Susuungin ang dagat 
na talagang kaytapang
Along makapangyarihan
kanyang lalabanan
Makapangisda lamang 
para sa kanyang bayan
Dakilang mangingisda 
kaylakas, kaygaling 
Na karaniwang tao'y 
di kayang gayahin.

Ako sana'y makasama 
sa iyong pag-alis 
Umangkas sa bangka mong 
kaytikas, kaybilis 
Upang maranasan 
buhay sa dagat 
Na alam kong sa aki'y
napakabigat 
Ikaw na marahil 
ang bagong idolo
Maralita man 
ay totoong tao.

DALAMPASIGAN

By // No comments:

DALAMPASIGAN


Kayrikit na tabi ng dagat kong bughaw 
At ang alon mo sa na kanya'y sumasayaw-sayaw
Patuloy ang paglapit upang siya'y mahagkan
Mahagkan parati ang dalampasigan. 

Sa tabi ng dagat, kay payapang tunay
Ngunit kung minsa'y tila naghahamon
Kamao niyang alon kay lakas itapon

Yao'y pag galit si amang panahon
Ang dalampasigan, kung minsan kay bagsik
Dagat; kay bagsik ng kanyang tilamsik 
Ngunit pagkatapos maghasik ng bagyo, 
Ang dalampasigan, maamung-maamo. 

Karagatan 
heto't muli mo ng hagkan 
ANG DALAMPASIGAN. .. 

BAYANG TINUBUAN

By // No comments:

BAYANG TINUBUAN 


Bayang tinubuan, napakadakila 
buong pusong inibig, bayang may prinsipyo 
pag-ibig pa alay sa tinubuang lupa 
ay gaya ng winika ni Gat Bonifacio: 

"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya 
sa pagkadalisay at pagkadakila 
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala." 

Bayani'y nakipagdigma, hangad ay kalayaan
kalayaan na sa baya'y kanyang pinakayaman
nagbuwis ng pawis, dugo at buhay 
bayaning dakila, upang tayo'y lumaya.

Bago humimbing, ating ipanalangin
bayang nagkupkop, nag-aruga sa atin
nararapat lamang na ating mahalin
ating inang bayan, bayang tinubuan.

ANG GURO

By // No comments:

ANG GURO


Pangalawang ina 
Ang tawag sa kanya
Sa ikalawang tahanan
Ngala'y paaralan. 

Guro ang gabay 
Ng bawat mag-aaral
Mag-aaral na 'di dapat
Sa kanya'y sumuway. 

Kung minsan ang guro'y
'di maiwasang magalit
Para mapangaraian
Batang makulit.

Ating igalang 
Ating mga guro 
Pagkat tayo'y nahubog
Mula sa kanyang mga turo. 

Salamat o guro
Salamat sa mga aral 
Batid naming mga anak mo
Na kami'y iyong minahal.

ANG DAHON

By // No comments:

ANG DAHON


Luntian 
kulay na mahiwaga 
sa dahong sariwa 
na umusbong sa tangkay
sa halama'y katulong 
sa pagbibigay-buhay 

Dahon 
na tila gayumang
nang-aakit ng ilan
at kung wala ka 
ang puno bay gaganda? 

Luntlang dahon 
na nagbibigay lilim 
at patuloy na sumasayaw
sa musika ng hangin

ANG MASIPAG AT ANG TAMAD

By // No comments:

ANG MASIPAG AT ANG TAMAD


Ang ama'y pumanaw, sa kanila'y habilin
malawak na lupain, paghati-hatiin
pamanang lupain, magkakasinsukat 
sa magkakapatid na ang bilang ay apat 

Ang mga magkakapatid, di pare-pareho
dalawa ay masipag, dalawa ay tamad
dalawa'y masikap maglinang ng bukid
dalawa'y pabaya, di natutong magtipid 

Ang buhay ng mga masisipag ay naging sagana
samantalang ang mga tamad sa hirap sumadlak
pagaari ng tamad, naging sa masipag 
kaypalad talaga, masisipag na anak 

Ngayon ang may-ari, pamana sa apat 
ay dalawa na Lang ang nag-iingat
samantalang ang anak na mabisyo't tamad
ay sa kahirapan, na nga nasadlak

ANG MAGSASAKA

By // No comments:

ANG MAGSASAKA


Mithiin niya'y umunlad
buhay at bayan 
Kaya naman parating
naroon sa sakahan
Walang Lugar ang pagod
lungkot at dusa
Talagang kay dakila 
yaring magsasaka 

Takipsilim pa lamang
mga mata'y dilat na Naroon sa bukid 
siya'y nagtatrabaho
Ang init ng araw 
ay di alintana 
Kahit katanghalian
siya'y nag-aararo 

Dakilang magsasaka
maraming salamat
Sa pagkain ng buhay
na iyong inani 
Sa paglubog ng araw
sana'y aming matanaw
Ngiting namumutawi 
sa iyong mga labi

SARANGGOLA

By // 1 comment:

SARANGGOLA 


Saranggolang gawa sa "Papel de Hapon" 
idinikit sa patpat at saka tinalian 
sana'y tangayin ng Hanging Amihan 
ang munti kong guryon, kaygandang laruan 

Sa iyong paglipad sa langit na malawak
at di maiwasang sa iba ay lumaban
magpakatayog ka, iwasan ang dagitan
pagkat pag nasawi, puso ko'y iiyak 

Ang buhay ay tila saranggolang matayog
marupok, malikot, sa hangin umaasa 
O Panginoon, patnubayan mo sana
upang saranggola'y hindi na mahulog 

Saranggolang bigay sa akin ni Ama
madagit man at sa iba mapunta
mapagpalang kamay sanang makakuha
at siyang magpalipad sa aking saranggola

ANG HANGIN

By // No comments:

ANG HANGIN


Aking nadarama, ihip niyang banayad
Ang haplos niyang hindi ko makita
Pisngi ko'y nahagkan ng hanging amihan
Halik ng isang inang kumakalinga.

Saan ka pupunta?
Saan ang paglalakbay?
0 hanging katulad
Ng sarili kong buhay
Na 'di tiyak kung saan
Ang aking hantungan
Saan nga ba o hangin
Daang aking tatahakin.

O mahiwagang hangin
Alam kong kung sakaling pumanaw
ang buhay kong ito,
ay sasama sa iyo
ang diwa at isip ko.

MAG-ARAL TAYO

By // No comments:

MAG-ARAL TAYO 


Mag-aral tayo, mga kaibigan
para sa ating kinabukasan
tayong kabataan ang maaasahan
tayo ang pag-asa ng ating bayan 

Hindi mawawala, dunong at talento
ating hubugin sa ating pagkatao 
talino mula sa pag-aaral ay gantimpala
tumanda ma't pumanaw hindi mawawala 

Saaping pamana, maaaring lumipad
di gaya ng aral, maaaring ilahad
minana mong talino'y habambuhay iyo
kaya't kabataan, mag-aral tayo

ANG SAMPAGITA

By // No comments:

ANG SAMPAGITA 


Pambansang bulaklak
kaybango't kayputi'
Nagbibigay galak 
sa Pilipinong lahi 
Bango mo'y walang katulad
at walang kumpara
Laging palamuti 
sa leeg ng dalaga 

Mahiwagang sampagita
bulaklak ng bayan
Simbolo ng dangal 
At ng kalinisan
Sampagita na kayputi
bulaklak ka ng puri
lpagtatanggol ng bayan
kahit na masawi

MAHAL NG MAGULANG

By // No comments:

MAHAL NG MAGULANG


Bakit aking magulang ako'y pinapalo
at nanunumbat pagkatapos paluin 
sa salita't tampo'y aking napagtanto
di nila ako mahal, ayaw nila sa akin 

Sa sakit ng kalooban
nagtungo kung saan
maraming mga tanong
naghanap ng kasagutan 

Isa ring magulang
ang aking nakita 
sa kanya'y nagtanong
kung bakit ganito 

Ang sabiniya sa aki'y
mahal-niya ako 
ayaw lang nilang mapahamak ako
na kanilang anak

Ako'y nagising, nasabi sa sarili
pagpalo ay damahin, aral ang mithiin.

ANG PAMBANSANG WIKA

By // No comments:

ANG PAMBANSANG WIKA 


Kaylambing isalita, wikang pambansa
sa ating mga diwa ay kumakalinga 

Wika'y laganap sa buong Pilipinas
sa tatlong pulo: Luzon, Mindanao, Visayas 

Alagaan natin, pambansang wika
musika ng ating sinilangang lupa 

Bayang Pilipino, pakaarugain 
ang pambansang wika a! iyong ibigin.

ANG BANSA, ANG WlKA AT DIWA

By // No comments:

ANG BANSA, ANG WlKA AT DIWA 


"Ang di magmahal 
sa sariling wika
mahigit pa sa hayop 
at malansang isda"
Ang mga katagang
si Rizal naglikha
para ating mahalin,
pambansang wika

Wika ang kaluluwa
ng ating bansa 
wika ang nagbubutlod
sa ating mga diwa
kaya't magkaisa
tayong mga Pilipino 
at ang wika'y mahalin 
ng buong puso

Wikang sinasambit
ng bata't matanda; 
mga Pilipino 
na may isang diwa 
diwang nagtaguyod
sa ating inang bansa
kaya't ipagmalaki, 
isang bansa, wika't diwa.

ANG BATANG ULIRAN

By // No comments:

ANG BATANG ULIRAN


Batang masunurin, batang magalang
batang di sumusuway sa mga magulang
sa lahat ng oras, sana'y pagpalain, 
ng Poong Maykapal ang kanyang dalangin: 

Sa araw-araw, ang ina'y nagbibilin 
ng utos na sana ay lagi niyang sundin
bigyang-dangal sana ang mahal niyang ama
ang sabi sa bilin ng irog niyang ina. 

Ulirang bata, ang mabuti ay tularan, 
ang masasamang gawain ay iyong iwasan
upang sa pagdating ng kinabukasan 
ang ugaling wasto ay maging sandigan. 

Sa nakatatanda siyay laging magalang 
at mapagparaya sa mga kaibigan 
ang ulirang bata, sa kanyang paaralan
ay huwaran talaga sa katalinuhan.

ANG BANDILA

By // No comments:

ANG BANDILA


Ang kahulugan ng ating bandila 
bayang pinagtanggol ng bayaning dakila
bayang marangal, bayang may bandila
ay bayang binigay sa atin nt Bathala.

Mga pulong Luzon, Visayas, Mindanao 
ay ang mga bituin na sa bandila mo'y tanaw
samantalang ang araw na may walong sinag
ay simbulo ng mga lalawigang habag. 

Ang watawat nating wawaga-wagayway
sagisag ng laya ng bayang sinilangan
bandilang tikas na tila kumakaway
ipinagmalaki itong bayan sa silangan. 

Ang ating ina, pangala'y Pilipinas
bandila'y inalay-ng tao sa kanya 
mga taong may angking talino at gilas
mga taong kung tawagiy mga Pilipino. 

Kaya't ipagtanggol, bandila't prinsipyo
ng ating inang bayan, lupang sinilangan
sapagkat tayo, mga Pilipino 
ang ating bandila'y atin ring sandalan.


ANG TAHANAN

By // No comments:

ANG TAHANAN 


Maliit na kubo, tahanan kung tawagin 
ngunit mala-palasyo sa aking paningin 
si Ama, si Ina, ang buong pamilya 
ang nagbibigay buhay sa munting bahay 
bahay na nahagkan ng panahong nagdaan 
lugar kung tawagin ay isang tahanan 

Di ko malaman at di mapagtanto 
kung bakit sa tahanan ay ayaw lumayo 
marahil ay dahil sa mga alaala 
na ltindi na mabubura sa aking isipan 
mga alaala ng pag-iyak at pagtawa 
mga alaala sa aming tahanan. 

Tahanan na humubog sa aking pagkatao
ng sa aking pagtanda'y di ko malilimot 
mga aral na natutuhan sa aming tahanan 
mga bagay na maituturing na kayamanan. 
aking gabay, kahapong nagdaan 
kahapong nanahan sa aming tahanan.

Ako'y nagpapasalamat sa Diyos na mahabagin 
at ang aming tahana'y di nabuwag ng hangin 
lagi sanang pagpalain ng ating Maykapal 
mga kasambahay na sa pag-ibig ay sakdal 
kasama ang tahanang di gaanong magara 
ngunit nag-aruga sa aking pagkabata.
Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

LANGIT

LANGIT


Hiwaga sa itaas
Ay iyong silayan
At maging saksi
Sa kanyang kariktan

Sa umaga ay tanaw
Pagsikat ng araw
Na mula sa silangan
Patawid ng kanluran

Kaysarap pagmasdan
Sa gabing madilim
Mapahimalang langit
Kaydaming bituin

Sa iyo ri'y mananahan
Ang pilak na buwan
Langit nayakap
Ng aking isipan

Ahh langit..

Sa aking pagpanaw
Ay maging hatungan
Upang masilayan
Ang lobo kong laruan

Lobong lumilipad
Mula sa aking nakaraan
At mahiwagang langit
Siya ay hahagkan.

ANG ULAN

ANG ULAN 


Namuong ulap 
sa langit kong tanaw
Nagmula sa lupa't
sinipsip ng araw
Bumagsak sa lupa 
ulan na kaylamig
Kaylamig mong hangin,
nakaliligalig. 
Sa bawa't pagpatak,
mula sa mga ulap
Ay isang patunay 
na ang lupa'y nangarap
Nangarap na minsan pa'y
muli laing mahagkan 
At bigyan ng buhay, 
tuyot niyang katawan. 

Mula sa hamog 
ng gabing nagdaan
hinimok ng init 
sa kinaumagahan
"O ulan, o ulan"
sabi ng puso ko 
Ang iyong pagbuhos
ang pagsusumamo
Nagdaang tag-araw
iyo nang lunurin 
Luntiang lupain
Ang aming mithiin
"O ulan, 0 ulan"
ang iyong pagpatak
Sa puso kong ito'y
nagpuno ng galak.

BUNDOK

BUNDOK 


Umbok ng lupang hinubog ng Diyos
Sa ating paglapit ay napakatayog 
Tila higanteng bimbing sa pagtulog
Mga ulap sa taas sa kanya'y yumapos. 

Bundok na sa tayog, tila nagyayabang
Minsa'y sa dagat, tila nakalutang 
Laging nakabantay sa kalawakang ganap
Laging nahahagkan ng mga alapaap. 

Kaykinis niyang lupain, mga hayop nanahan
Ngunit sa malapitan ay kay daming bangin
Sa kanya ri'y umaagos kaylinis na batis
Batis na kay lamig, pinalamig ng hangin 

Bundok na sa kanya y may gintong nabubungkal
Ng taong di matutong sa kanya'y magmahal
Sadyang mapagbigay, bundok na may buhay
Kaya't dapat mahalin at paka-arugain.

ANG MANGINGISDA

ANG MANGINGISDA


Palalaot na naman 
sa bangka niyang sasakyan
Susuungin ang dagat 
na talagang kaytapang
Along makapangyarihan
kanyang lalabanan
Makapangisda lamang 
para sa kanyang bayan
Dakilang mangingisda 
kaylakas, kaygaling 
Na karaniwang tao'y 
di kayang gayahin.

Ako sana'y makasama 
sa iyong pag-alis 
Umangkas sa bangka mong 
kaytikas, kaybilis 
Upang maranasan 
buhay sa dagat 
Na alam kong sa aki'y
napakabigat 
Ikaw na marahil 
ang bagong idolo
Maralita man 
ay totoong tao.

DALAMPASIGAN

DALAMPASIGAN


Kayrikit na tabi ng dagat kong bughaw 
At ang alon mo sa na kanya'y sumasayaw-sayaw
Patuloy ang paglapit upang siya'y mahagkan
Mahagkan parati ang dalampasigan. 

Sa tabi ng dagat, kay payapang tunay
Ngunit kung minsa'y tila naghahamon
Kamao niyang alon kay lakas itapon

Yao'y pag galit si amang panahon
Ang dalampasigan, kung minsan kay bagsik
Dagat; kay bagsik ng kanyang tilamsik 
Ngunit pagkatapos maghasik ng bagyo, 
Ang dalampasigan, maamung-maamo. 

Karagatan 
heto't muli mo ng hagkan 
ANG DALAMPASIGAN. .. 

BAYANG TINUBUAN

BAYANG TINUBUAN 


Bayang tinubuan, napakadakila 
buong pusong inibig, bayang may prinsipyo 
pag-ibig pa alay sa tinubuang lupa 
ay gaya ng winika ni Gat Bonifacio: 

"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya 
sa pagkadalisay at pagkadakila 
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala." 

Bayani'y nakipagdigma, hangad ay kalayaan
kalayaan na sa baya'y kanyang pinakayaman
nagbuwis ng pawis, dugo at buhay 
bayaning dakila, upang tayo'y lumaya.

Bago humimbing, ating ipanalangin
bayang nagkupkop, nag-aruga sa atin
nararapat lamang na ating mahalin
ating inang bayan, bayang tinubuan.

ANG GURO

ANG GURO


Pangalawang ina 
Ang tawag sa kanya
Sa ikalawang tahanan
Ngala'y paaralan. 

Guro ang gabay 
Ng bawat mag-aaral
Mag-aaral na 'di dapat
Sa kanya'y sumuway. 

Kung minsan ang guro'y
'di maiwasang magalit
Para mapangaraian
Batang makulit.

Ating igalang 
Ating mga guro 
Pagkat tayo'y nahubog
Mula sa kanyang mga turo. 

Salamat o guro
Salamat sa mga aral 
Batid naming mga anak mo
Na kami'y iyong minahal.

ANG DAHON

ANG DAHON


Luntian 
kulay na mahiwaga 
sa dahong sariwa 
na umusbong sa tangkay
sa halama'y katulong 
sa pagbibigay-buhay 

Dahon 
na tila gayumang
nang-aakit ng ilan
at kung wala ka 
ang puno bay gaganda? 

Luntlang dahon 
na nagbibigay lilim 
at patuloy na sumasayaw
sa musika ng hangin

ANG MASIPAG AT ANG TAMAD

ANG MASIPAG AT ANG TAMAD


Ang ama'y pumanaw, sa kanila'y habilin
malawak na lupain, paghati-hatiin
pamanang lupain, magkakasinsukat 
sa magkakapatid na ang bilang ay apat 

Ang mga magkakapatid, di pare-pareho
dalawa ay masipag, dalawa ay tamad
dalawa'y masikap maglinang ng bukid
dalawa'y pabaya, di natutong magtipid 

Ang buhay ng mga masisipag ay naging sagana
samantalang ang mga tamad sa hirap sumadlak
pagaari ng tamad, naging sa masipag 
kaypalad talaga, masisipag na anak 

Ngayon ang may-ari, pamana sa apat 
ay dalawa na Lang ang nag-iingat
samantalang ang anak na mabisyo't tamad
ay sa kahirapan, na nga nasadlak

ANG MAGSASAKA

ANG MAGSASAKA


Mithiin niya'y umunlad
buhay at bayan 
Kaya naman parating
naroon sa sakahan
Walang Lugar ang pagod
lungkot at dusa
Talagang kay dakila 
yaring magsasaka 

Takipsilim pa lamang
mga mata'y dilat na Naroon sa bukid 
siya'y nagtatrabaho
Ang init ng araw 
ay di alintana 
Kahit katanghalian
siya'y nag-aararo 

Dakilang magsasaka
maraming salamat
Sa pagkain ng buhay
na iyong inani 
Sa paglubog ng araw
sana'y aming matanaw
Ngiting namumutawi 
sa iyong mga labi

SARANGGOLA

SARANGGOLA 


Saranggolang gawa sa "Papel de Hapon" 
idinikit sa patpat at saka tinalian 
sana'y tangayin ng Hanging Amihan 
ang munti kong guryon, kaygandang laruan 

Sa iyong paglipad sa langit na malawak
at di maiwasang sa iba ay lumaban
magpakatayog ka, iwasan ang dagitan
pagkat pag nasawi, puso ko'y iiyak 

Ang buhay ay tila saranggolang matayog
marupok, malikot, sa hangin umaasa 
O Panginoon, patnubayan mo sana
upang saranggola'y hindi na mahulog 

Saranggolang bigay sa akin ni Ama
madagit man at sa iba mapunta
mapagpalang kamay sanang makakuha
at siyang magpalipad sa aking saranggola

ANG HANGIN

ANG HANGIN


Aking nadarama, ihip niyang banayad
Ang haplos niyang hindi ko makita
Pisngi ko'y nahagkan ng hanging amihan
Halik ng isang inang kumakalinga.

Saan ka pupunta?
Saan ang paglalakbay?
0 hanging katulad
Ng sarili kong buhay
Na 'di tiyak kung saan
Ang aking hantungan
Saan nga ba o hangin
Daang aking tatahakin.

O mahiwagang hangin
Alam kong kung sakaling pumanaw
ang buhay kong ito,
ay sasama sa iyo
ang diwa at isip ko.

MAG-ARAL TAYO

MAG-ARAL TAYO 


Mag-aral tayo, mga kaibigan
para sa ating kinabukasan
tayong kabataan ang maaasahan
tayo ang pag-asa ng ating bayan 

Hindi mawawala, dunong at talento
ating hubugin sa ating pagkatao 
talino mula sa pag-aaral ay gantimpala
tumanda ma't pumanaw hindi mawawala 

Saaping pamana, maaaring lumipad
di gaya ng aral, maaaring ilahad
minana mong talino'y habambuhay iyo
kaya't kabataan, mag-aral tayo

ANG SAMPAGITA

ANG SAMPAGITA 


Pambansang bulaklak
kaybango't kayputi'
Nagbibigay galak 
sa Pilipinong lahi 
Bango mo'y walang katulad
at walang kumpara
Laging palamuti 
sa leeg ng dalaga 

Mahiwagang sampagita
bulaklak ng bayan
Simbolo ng dangal 
At ng kalinisan
Sampagita na kayputi
bulaklak ka ng puri
lpagtatanggol ng bayan
kahit na masawi

MAHAL NG MAGULANG

MAHAL NG MAGULANG


Bakit aking magulang ako'y pinapalo
at nanunumbat pagkatapos paluin 
sa salita't tampo'y aking napagtanto
di nila ako mahal, ayaw nila sa akin 

Sa sakit ng kalooban
nagtungo kung saan
maraming mga tanong
naghanap ng kasagutan 

Isa ring magulang
ang aking nakita 
sa kanya'y nagtanong
kung bakit ganito 

Ang sabiniya sa aki'y
mahal-niya ako 
ayaw lang nilang mapahamak ako
na kanilang anak

Ako'y nagising, nasabi sa sarili
pagpalo ay damahin, aral ang mithiin.

ANG PAMBANSANG WIKA

ANG PAMBANSANG WIKA 


Kaylambing isalita, wikang pambansa
sa ating mga diwa ay kumakalinga 

Wika'y laganap sa buong Pilipinas
sa tatlong pulo: Luzon, Mindanao, Visayas 

Alagaan natin, pambansang wika
musika ng ating sinilangang lupa 

Bayang Pilipino, pakaarugain 
ang pambansang wika a! iyong ibigin.

ANG BANSA, ANG WlKA AT DIWA

ANG BANSA, ANG WlKA AT DIWA 


"Ang di magmahal 
sa sariling wika
mahigit pa sa hayop 
at malansang isda"
Ang mga katagang
si Rizal naglikha
para ating mahalin,
pambansang wika

Wika ang kaluluwa
ng ating bansa 
wika ang nagbubutlod
sa ating mga diwa
kaya't magkaisa
tayong mga Pilipino 
at ang wika'y mahalin 
ng buong puso

Wikang sinasambit
ng bata't matanda; 
mga Pilipino 
na may isang diwa 
diwang nagtaguyod
sa ating inang bansa
kaya't ipagmalaki, 
isang bansa, wika't diwa.

ANG BATANG ULIRAN

ANG BATANG ULIRAN


Batang masunurin, batang magalang
batang di sumusuway sa mga magulang
sa lahat ng oras, sana'y pagpalain, 
ng Poong Maykapal ang kanyang dalangin: 

Sa araw-araw, ang ina'y nagbibilin 
ng utos na sana ay lagi niyang sundin
bigyang-dangal sana ang mahal niyang ama
ang sabi sa bilin ng irog niyang ina. 

Ulirang bata, ang mabuti ay tularan, 
ang masasamang gawain ay iyong iwasan
upang sa pagdating ng kinabukasan 
ang ugaling wasto ay maging sandigan. 

Sa nakatatanda siyay laging magalang 
at mapagparaya sa mga kaibigan 
ang ulirang bata, sa kanyang paaralan
ay huwaran talaga sa katalinuhan.

ANG BANDILA

ANG BANDILA


Ang kahulugan ng ating bandila 
bayang pinagtanggol ng bayaning dakila
bayang marangal, bayang may bandila
ay bayang binigay sa atin nt Bathala.

Mga pulong Luzon, Visayas, Mindanao 
ay ang mga bituin na sa bandila mo'y tanaw
samantalang ang araw na may walong sinag
ay simbulo ng mga lalawigang habag. 

Ang watawat nating wawaga-wagayway
sagisag ng laya ng bayang sinilangan
bandilang tikas na tila kumakaway
ipinagmalaki itong bayan sa silangan. 

Ang ating ina, pangala'y Pilipinas
bandila'y inalay-ng tao sa kanya 
mga taong may angking talino at gilas
mga taong kung tawagiy mga Pilipino. 

Kaya't ipagtanggol, bandila't prinsipyo
ng ating inang bayan, lupang sinilangan
sapagkat tayo, mga Pilipino 
ang ating bandila'y atin ring sandalan.


ANG TAHANAN

ANG TAHANAN 


Maliit na kubo, tahanan kung tawagin 
ngunit mala-palasyo sa aking paningin 
si Ama, si Ina, ang buong pamilya 
ang nagbibigay buhay sa munting bahay 
bahay na nahagkan ng panahong nagdaan 
lugar kung tawagin ay isang tahanan 

Di ko malaman at di mapagtanto 
kung bakit sa tahanan ay ayaw lumayo 
marahil ay dahil sa mga alaala 
na ltindi na mabubura sa aking isipan 
mga alaala ng pag-iyak at pagtawa 
mga alaala sa aming tahanan. 

Tahanan na humubog sa aking pagkatao
ng sa aking pagtanda'y di ko malilimot 
mga aral na natutuhan sa aming tahanan 
mga bagay na maituturing na kayamanan. 
aking gabay, kahapong nagdaan 
kahapong nanahan sa aming tahanan.

Ako'y nagpapasalamat sa Diyos na mahabagin 
at ang aming tahana'y di nabuwag ng hangin 
lagi sanang pagpalain ng ating Maykapal 
mga kasambahay na sa pag-ibig ay sakdal 
kasama ang tahanang di gaanong magara 
ngunit nag-aruga sa aking pagkabata.