Showing posts with label gaya kaya. Show all posts

NANGGAGAYA, NGUNIT HINDI KAYA

By // No comments:

NANGGAGAYA, NGUNIT HINDI KAYA 

Isang uwak ang nakadapo sa sanga ng isang puno at tinatanaw ang mga tupa. Gutom na gutom na ang uwak dahil sa wala siyang makitang pagkain. 

Nang bigla na lamang, isang agila ang dumagit sa isang maliit na tupa. Inggit na inggit ang uwak sa agila, dahil sigurado na raw na mabubusog ito sa tupang nadagit. 

Naisip ng uwak, puwede niyang gayahin ang agila. 

Puwede ring dumagit siya ng isang batang tupa. At lumipad nga ang uwak sa ibabaw rig isang maliit na tupa. Subalit, hindi niya kayang iangat ito dahil mabigat. 

Pinilit pa rin ng uwak na iangat ang tupa. Lalo pa niyang hinawakan ang balahibo nito. Subalit, sadyang hindi sapat ang kanyang lakas upang iangat ang tupa. 

Hanggang sa dumating na ang pastol ng mga tupa at ... "Walang hiya kang uwak ka! Layuan mo ang tupa ko!" ang sigaw ng pastol. 

Subalit sumabit na ang kuko ng uwak so balahibo ng tupa, at hindi no ito makaalis upang lumipad palayo. Ang kawawang uwak, dahil nang makalapit sa kanya ang pastol ay buong lakas siyang hinampas ng hawak nitong kahoy. 

Ang Gintong Aral: 

Ang nagmamarunong na walang alam, ang natatamo ay kapahamakan.