Showing posts with label pabula. Show all posts

ANG BALAT-KAYO

By // No comments:

ANG BALAT-KAYO 

Minsan, isang munting kabayo ang nakakita ng isang sako sa daan. Ganun na lang ang tuwa nito nang makitang kasuotang leon" pala ang laman nito. 

Agad na isinuot ng munting kabayo ang "balat-kayo". "Ngayon ay isa na akong leon, at tiyak na katatakutan ng lahat." Ang wika ng munting kabayo sa sarili. 

At sinimulan ng maglakad ng nagpapanggap na leon sa kagubatan. Nagkagulo ang lahat ng hayop na nasindak. Kanya-kanyang takbuhan at taguan ang mga ito. Tuwang-tuwa naman ang munting kabayo. Tuwang-tuwa siya nang makitang kandahulog sa pag-akyat sa mga puno ang mga unggoy. Kandauntog naman ang ibang mga hayop sa pagtakas. 

"Siguro, lalo silang matatakot kung maririnig nila ang , sigaw ng leon." Ang wika ng munting kabayo. 

"Hiiing!" ang sigaw nito. Biglang napahinto sa pagtakbo ang mga nakarinig, at noon nila nalamang hindi tunay na leon ang sa kanila'y nananakot. 

Agad nagbalikan ang mga hayop at tinugis ang natakot namang munting kabayo na kumaripas na rin ng takbo palayo. 

Ang Gintong Aral: 

Ang sinumang sinungaling, dapat maging matandain Ang nilubid niyang daing, siya ay mahahalata rin.

ANG ARAW AT ANG HANGIN

By // 1 comment:

ANG ARAW AT ANG HANGIN 

Minsan nagtatalo sina Araw at si Hangin kung sino sa kanila ang higit na makapangyarihan. 

"Mas makapangyarihan ako, dahil sa init ko'y kaya kong sunugin ang lahat!" wika ni Araw. 

"Higit ako, dahil kung nanaisin ko ay kayo kong paliparin ang lahat at itaboy kung saan ko gusto!" ang sabi naman ni Hangin. 

Habang nagtatalo ang dalawa, isang magsasaka ang dumaan. "Mabuti pa patunayan natin ang ating kapangyarihan sa pamamagitan ng magsasakang iyan!" sabi ni Araw. 

"O sige, payag ako!" sang-ayon naman ni Hangin. 

"Kung sino sa atin ang makapagpapaalis ng damit ng magsasakang iyan ay siyang mananalo." Ang hamon ni Araw na agad tinanggap ni Hangin. 

At naunang nagpakita ng kapangyarihan si Hangin. 

Umihip ito ng malakas patungo sa magsasaka. Agad namang napadapa ang magsasaka. Niyakap nito ang sarili sa lamig at lakas ng hangin. Kung kaya't lalong hindi naalis ang kanyang suot na damit. Sumuko na si Hangin. 

Ang sumunod ay si Araw naman ang nagpakita ng kapangyarihan. Ngumiti lamang ito. Ngumiti ng ngumiti hanggang sa lalong tumingkad ang sikat nito. 

Pinagpawisan ang magsasaka, at sa init ay hinubad nito ang kanyang damit. At binati ni hangin ang nagwaging si Araw. 

Ang Gintong Aral: 

1. Ang tunay na kapangyarihan ay  hindi nakikita sa paggamit ng lakas at dahas, kung di sa malumanay at maayos na pamamaraan. 

NANGGAGAYA, NGUNIT HINDI KAYA

By // No comments:

NANGGAGAYA, NGUNIT HINDI KAYA 

Isang uwak ang nakadapo sa sanga ng isang puno at tinatanaw ang mga tupa. Gutom na gutom na ang uwak dahil sa wala siyang makitang pagkain. 

Nang bigla na lamang, isang agila ang dumagit sa isang maliit na tupa. Inggit na inggit ang uwak sa agila, dahil sigurado na raw na mabubusog ito sa tupang nadagit. 

Naisip ng uwak, puwede niyang gayahin ang agila. 

Puwede ring dumagit siya ng isang batang tupa. At lumipad nga ang uwak sa ibabaw rig isang maliit na tupa. Subalit, hindi niya kayang iangat ito dahil mabigat. 

Pinilit pa rin ng uwak na iangat ang tupa. Lalo pa niyang hinawakan ang balahibo nito. Subalit, sadyang hindi sapat ang kanyang lakas upang iangat ang tupa. 

Hanggang sa dumating na ang pastol ng mga tupa at ... "Walang hiya kang uwak ka! Layuan mo ang tupa ko!" ang sigaw ng pastol. 

Subalit sumabit na ang kuko ng uwak so balahibo ng tupa, at hindi no ito makaalis upang lumipad palayo. Ang kawawang uwak, dahil nang makalapit sa kanya ang pastol ay buong lakas siyang hinampas ng hawak nitong kahoy. 

Ang Gintong Aral: 

Ang nagmamarunong na walang alam, ang natatamo ay kapahamakan.

ANG MGA DAGA

By // No comments:

ANG MGA DAGA 

Tuwang-tuwa ang isang Daga ng makita niya ang isang keso ngunit laking gulat ng bigla siyang dinakma ng Pusa. Sindak ang mga kasama niyang Daga sabay tanaw nila na kinakain ng Pusa ang kanilang kasama. 

Nag-isip sila ng paraan upang hindi na maulit ang gayong pangyayari, dahil doon ay nakalikha sila ng ingay. "Tumahimik kayo." Sigaw ng puno nila. "Mag-isip kayo ng paraan." Dagdag pa nito. May sumigaw ng, "Alam ko na ang dapat na gawin." "Ano iyon?" tanong ng pangalawang Dago. "Sasabitan natin ng kuliling ang leeg ng Pusa." "Sino ang magsasabit?" tanong ng pangatlo. 

Kung sino ang naka-isip ay siya ang gagawa." Sabi ng puno. "Hindi maaari, pagkat bago pa lang ako makalapit ay papatayin na ako ng Pusa." Nahihiyang sagot ng may panukala. 

Sabay-sabay na umalis ang mga Daga at naiwan ang mayabang na nagpanukala. 

Ang Gintong Aral:

1. Kung hindi mo kaya ay huwag mong pangahasan, upang kung hindi mo magawa, ay hindi ka masumbatan.

ANG TIGRE AT ANG ALAMID

By // No comments:

ANG TIGRE AT ANG ALAMID 

Sa kagubatan, ang Tigre at ang Alamid ay magkasamang naghahanap ng pagkain. Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin sila makakita ng mga maliliit na hayop na maaari nilang kainin. 

Hanggang isang kuneho ang kanilang nakita at agad na hinabol. At madali naman nitang nasukdol ito, ngunit nagsimulang mag-angilan ang Tigre at Alamid. 

"Akin ang kunehong ito! Sa gutom ko ay kulang pa ang kunehong ito." Ang sigaw ng Tigre sabay kalmot sa Alamid. 

"Hindi maaari sa akin ang kunehong ito." Ang sigaw naman ng Alamid pagkatapos ay kinagat nito sa paa ang Tigre. Hindi pa rin makakilos ang nanginginig sa takot na kuneho. Nag-away naman ng husto ang Tigre at ang Alamid. 

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang Leon at inawat ang away ng dalawa. "Bakit kayo nag-aaway?" ang tanong ng Leon. 

"Dahil dapat sa akin ang kuneho dahil ako ang unang nakakita dito." ang sigaw ng Tigre. "Hindi, sa akin dapat dahil ako ang unang humabol dito." ang sigaw ng Alamid. 

Natawa ang Leon. "Dahil sa pag-aaway ninyo ang pagkaing pinag-aagawn ninyo ay wala na,hayun!" ang sabi ng Leon sabay turo sa kunehong malayo na ang narating at Malabo ng mahuli. 

Nagsisi ang dalawa at mula noon natutuhan nila ang kanilang leksyon. 

Ang Gintong Aral: 

Sa pag-aaway at pagiging ganid, ang lahat ay nawaowalan.

MAGKAIBIGAN BA?

By // No comments:

MAGKAIBIGAN BA? 

Isang araw, dalawang magkaibigan ang namamasyal so isang gubat, sina Taba at si Payat. 

Habang nasa kakahuyan sila, bigla na lang silang tinugis ng isang Oso, mabilis na tumakbo ang dalawa. 

Agad na umakyat sa puno si Payat, samantalang hirap na hirap naman sa pag-akyat si Taba, dahil nga sa katabaan. "Tulungan mo ako Payat, iakyat mo ako." Ang pakiusap ni Taba sa kaibigan. Hindi ako maaaring bumaba, pareho lang tayong aabutan ng Oso." Ang sigaw naman ni Payat. Nagpilit pa ring umakyat si Taba subalit talagang nahihirapan siya, hanggang sa naabutan na siya ng Oso.. 

Bigla na lamang bumagsak sa lupa si Taba. Nagkunwari siyang patay na. Dahil may nagsabi sa kanya noon na hindi pinapansin ng Oso ang patay na. Hinawak-hawakan nga ng Oso si Taba. Pagkatapos ay inamoy-amoy Sa mukha at tenga. 

Hindi naman halos humihinga si Taba upang magmukha na ngang patay. Di pa nagtagal at umalis na ang Oso. Agad na bumaba si Payat. Mabuti na lamang at hindi ka pinatay ng Oso." Ang wika nito. Bumangon na rin si Taba at tumingin lang kay Payat. "Parang may binulong sa iyo ang Oso, ano ang sabi niya?" ang tanong ni Payat. 

"Sinabi sa akin ng Oso na huwag daw akong sumama sa taong pababayaan ako sa ores ng kagipitan. Kaya diyan ka na! at umalis na si Taba pagkcisabi nito. 

Naiwan si payat at nalulungkot dahil nawalan siya ng kaibigan. 

Ang Gintong Aral: 

1. Ang tunay na kaibigan nasusubok sa kagipitan.

ANG LANGGAM AT ANG TIPAKLONG

By // No comments:

ANG LANGGAM AT ANG TIPAKLONG

Buong tiyagang naghahakot ng pogkain si Langgam at ito'y tinitipon niya sa kanyang bahay subalit si Tipaklong ay patalon-talon at pakanta-kanta lamang ang ginagawa. Pinipintasan si langgam ni tipaklong na wala na raw kaligayahan si Langgam

Ngunit isang araw ay biglang umulan kaya't tumigil na si Langgam at dali-daling umuwi ng bahay. Nalito naman si Tipaklong kaya't huminto siya sa pagtalon-talon at pakanta-kanta, sumilong siya sa dahon sapagkat wala siyang bahay.

Naging malakas ang ulan at bumaha sa buong bukirin kaya't kumapit na lamang si Tipaklong sa dahon na nasa itaas kayo nababasa na rin siya ng ulan.

Hindi na niya matiis ang ginaw at gutom kaya't pinuntahan niya ang kaibigan niyang Langgam upang humingi ng tulong. 

Nang makita ni Langgam ang kalagayan ni Tipaklong ay pinatuloy niya ito sa kanyang bahay, binigyan ng damit at pagkain. 

Dahil sa gayong pangyayari ay hiyang-hiya si Tipaklong pagkat mas malaki raw siya kaysa kay Langgam ngunit siya pa ang humingi ng tulong. 

Ang Gintong Aral:

1. Kapag may inimpok, may madudukot. 

2. Sa oras ng . kagipitan, malalaman mo ang tunay na kaibigan. 

3. Kopag may hirap, may ginhawa. 

ANG MANOK AT AN6 LAWIN

By // No comments:

ANG MANOK AT ANG LAWIN 

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya so pista so kabilang nayon. Naroon si Tandang at ibig niyang maging maganda so paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

"Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan, sapagkat bigay pa iyan so akin ng aking Ina." Maluwag so daliri ni Inahing Manok ang hiniram na singsing ngunit isinuot na rin niya ito. Salamat, Lawin." wika ni Inahing Manok. "Asahan mong ingatan ko ang iyong singsing."

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni tandang si Inahing Manok ay kaagod niyang sinalubong ito at isinayaw. Masaya ang pista, Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok. 

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni inahing manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si lawin at sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok so nawawalang singsing. Maging ang iba pang Inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing manok. 

Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang humaliling mga Inahing Manok at Lawin. Magmula na noon hanggang so kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya kaya dinodagit pa ng Lawin ang mga sisiw ng Inahing Manok. 

Ang Gintong Aral: 

Siyasatin mong mobuti ang landas na lalakaran, upong ang lakad mo'y laging matiwasay

ANG PAGONG AT ANG KALABAW

By // No comments:

ANG PAGONG AT ANG KALABAW 

Isang araw ay sinabi ng pagong sa kalabaw na nais niyang makipagkaibigan. Nagtawa ang kalabaw at pakutyang sinabi na." Hindi tulad mo ang gusto kong kaibigan,ang gusto ko ay kasinglaki at kasinglakas ko. Ang liit mo at sobra pa ang kupad mong kumilos."

Dahil sa sobrang panlalait ng kalabaw ay sumagot din ng paglait ang pagong hanggang sa humantong sa isang hamon. Naghamon ang kalabaw ng karera at sumang-ayon naman ang pagong. Laking galak ng kalabaw dahil alam niyang panalo siya, subalit matalino ang pagong.

Kinausap niya ang apat na kaibigang pagong. Pinapuwesto niya ang mga ito sa ikalawa hanggang sa ikaJimang bundok.

Dumating ang araw ng nasabing karera at unang dumating ang kalabaw sa pagong sa unang bundok ngunit sa ikalawa hanggang sa ikalimang bundok laging nagugulat ang kalabaw dahil naroon na ang pagong na akala niya ay ang kanyang kalaban.

Dahilan sa kahihiyan at galit sa pagkatalo. ang pagong ay tinadyakan niya ng malakas. Matigas ang likod ng pagong kaya hindi ito nasaktan. Sa halip ang kalabaw ang umatungal dahil sa sakit na dulot ng nabiyak niyang kuko sa pagsipa sa pagong. 

Ang Gintong Aral: 

Ang lakas ay daig ng paraan.  

ANG LAMOK AT ANG LEON

By // 1 comment:

ANG LAMOK AT ANG LEON 

Isang araw habang natutulog ang Leon ay ginulo siya ng Lamok. "Alis diyan, huwag mo akong guluhin." sabi ng Leon. 

"Ako, kaya mong utusan? Hindi tulad mo ang katatakutan ko." Sagot ng Lamok. 

Hampas at kagat ang ginawa ng Leon ngunit walang nangyari sa pagsisikap ng Leon.

Buong pagyayabang at halakhak ng Lamok dahil bigo ang Leon, na hulihin siya. Bigong umalis ang Leon at ang Lamok namari ay buong galak na lumilipad na pinagtatawanan ang Leon.

Sa sobrang pamamayagpag, hindi napansin ni Lamok na may sapot sa tinunguhan nya. Hindi man niya sinadya ay nadikit siya sa sapot at pigil hininga niya lamang hinintay ang gagamba na kakain sa kanya pagkat wala na siyang magawa. 

Ubos ang pag-asa niya sa kanyang kaligtasan at naisip niya ang pang-aapi niya sa ubod ng laking Leon. 

Ang Gintong Aral: 

1. Ang pagmamalabis ay may hangganan. 

2. Kapag sama ang itinanim, lagim ang aanihin.

ANG UWAK AT ANG LOBO

By // No comments:

ANG UWAK AT ANG LOBO

Isang munting ibon ang inagawan ng uwak ng pagkain at pagkatapos ay pumunta sa isang lugar kung saan niya kakainin ang naagaw niya nang walang gagambala sa kanya. 

Akma na niyang kakanin ang pagkain ng may biglang bumati sa kanya sa ilalim ng puno na ang sabi. "Napakaganda mo talaga uwak, ang ningning ng iyong mga mata. Bilang pagsang-ayon ay kumurap-kurap ng uwak ang kanyang mga mata. 

"Ang ganda ng balahibo mo, higit siguro kung nakabuka ang iyong mga pakpak" Anupa't laging sinusunod ng uwak ang bawat sinasabi ng lobo. Dagdag ng lobo ay sinabing. "Maganda rin siguro ang iyong tinig." Biglang nagsalita ang uwak, upang ipagmapuri ang tinig niya kaya't nahulog ang pagkain na nasa kanyang tuka. 

Sinalo at kinain agad ng lobo ang pagkain at pahalakhak na sinabing napaglalangan lang kita. 

Malungkot na lamang na tinanaw ang lobo na nanloko sa kanya. 

Ang Gintong Aral: 

1. Hindi mo dapat asahan ang papuri ng kaaway. 

2. Ang ayaw mong mangyari sa iyo, huwag mong gawin sa kapwa mo.

SAKIM NA ASO

By // No comments:

SAKIM NA ASO

Minsan isang sakim na aso ang nakaamoy ng masarap na pagkain. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang amoy. Hanggang nalaman niyang buhat ito sa karne na dala-dala ng isang tuta. 

Tinakot ng aso ang tuta kaya't nabitawan nito ang pagkain. Agad na sinakmal ng aso ang karne at tumakbo na ito pauwi sa takot na maagaw pa ito sa kanya ng malaking aso. 

Isang tulay ang tinawid ng aso. Nang mapatingin ito sa baba ay nakakita ito ng isang aso na may dala ring pagkain. "Mukhang mahinang aso! Kaya ko ring takutin ito upang makuha ko rin ang pagkain niya!" ang sabi ng sakim na aso sa sarili. 

At tinahulan nga ng aso ang nasa ibaba ng tulay, na nagging dahilan upang mahulog ang karne na nasa bibig riiya. Bumagsak ang karne sa tubig, at noon lamang nalaman ng sakim na aso na sarili pala niyang repleksyon ang nakita niya sa ibaba ng tulay. 

At ang karne ay lumubog na sa tubig. Umuwing nagsisisi ang aso. 

Ang Gintong Aral:

1. Ang sinumang sakim at ganid ay lalo lamanq nawawalan sa dakong huli.