Showing posts with label bato. Show all posts
Showing posts with label bato. Show all posts

ANG BATO

By // No comments:

 ANG BATO 


Sa bawat paglakad ay di maiwasan 
batong nakakalat sa ating daanan
sa liit ay tila
walang pakinabang
ngunit kung silbi
ang pag uusapan
ang batong kay liit
ay puwedeng magyabang. 

Bato ang ginamit sa mga gusali
bagay ng kay tigas kaysa ating kamao
ginawang paalala sa mga bayani 
mga batong inukit, at ginawang monumento. 

Minsan ay kayrungis kung iyong titingnan,
na halos itaboy at saka pandirihan 
ngunit ang iba ay linisan lamang 
at iyong makikita, nakatagong yaman 

Glnto at pilak, saan ka nanggaling,
nagkukubli lamang sa 
batong malalim diyamante't brilyante,
ano ka at sino?
Di ninyo nalalama'y isa ring bato. 

Showing posts with label bato. Show all posts
Showing posts with label bato. Show all posts

ANG BATO

 ANG BATO 


Sa bawat paglakad ay di maiwasan 
batong nakakalat sa ating daanan
sa liit ay tila
walang pakinabang
ngunit kung silbi
ang pag uusapan
ang batong kay liit
ay puwedeng magyabang. 

Bato ang ginamit sa mga gusali
bagay ng kay tigas kaysa ating kamao
ginawang paalala sa mga bayani 
mga batong inukit, at ginawang monumento. 

Minsan ay kayrungis kung iyong titingnan,
na halos itaboy at saka pandirihan 
ngunit ang iba ay linisan lamang 
at iyong makikita, nakatagong yaman 

Glnto at pilak, saan ka nanggaling,
nagkukubli lamang sa 
batong malalim diyamante't brilyante,
ano ka at sino?
Di ninyo nalalama'y isa ring bato.